
Angas?
Nilulusong ng mga tula sa Angas? ang lalake, ang pagiging lalake, at pagkalalake. Minamata ang patriyarkiya at toxic masculinity, subalit sa punto-de-bista ng isang nakikipagbuno na siya’y lalaki din—kung kaya’t paano susuriin nang patas ang kinalulugmukang pribilehiyo ng sarili? Sa pagtula sa pagkalalake, sa paglayong kumawala rito, itakwil ito, at maging hindi ito, natatagpuan sa koleksiyon ang samu’t saring buhay—ang pagsasandigan sa ama, ang mga aral ng kabarkada’t kaklase sa all-boys’ high school, ang mga minamahal subalit hindi masabi, ang mga sandaling hindi matakasan ang panganib ng pagiging sarili. Kaya’t gusto maging wala. Sinusubok ng mga tula na sagutin para sa sarili at para sa makikinig: paano ko kikilalanin, at wawakasan, kung kayahin man, ang pagkakapanganak sa sabayang angas at agnas?
Ateneo University Press, 2025
The poems in Angas? find men, manhood, and masculinity. It turns its eyes to patriarchy and toxic masculinity, but from the point of view of one fully aware he is also a man—so how does one begin critiquing the privileged self? In these poems, in the desire to break free and through such a position, one finds the rituals of men—the authority of the father figure, the wisdom of the barkada in the all-boys’ high school, the loves unsaid, the blossoming threats from within. Thus: the dream of being absent. The poems seek to answer for the self and whoever offers to listen: how will I figure out, and relinquish, if possible, this being both man and ending, both ego and rot?
> available on Shopee, Lazada, AUP Website
> Signed copies via direct order

Outlive: Poems
Everything’s Fine PH, 2024
This chapbook of 15 poems in English was originally prepared for the 2024 Kyoto Writers’ Residency. All of the poems here, apart from “Merienda” and “Sidewalks,” were translated into English by the author from their original iterations in Filipino.
> available at Everything’s Fine PH and on their online shop
> Signed copies VIA direct order



my heart is an edge / ang puso kong hiwâ
self-published, 2022
🍵 Ano ang koleksyon kundi ang masinsing paghahalo ng mga bagay? Itinakal, isinalin, at itinimpla ☕ sa koleksyong ito ang mga bagay na maaaring damdamin ng persona 😫😭😒. Bawat point, may (nabubuong, natutuklasang) sense 🙊🙉. Sa pagtatabi-tabi ng bawat point (na/ng) salita sa koleksyong ito, nagiging hiwa/edge ang mga linya ng alaala, upang maisatula ang mga panibagong konstelasyon. ✨ Ipadarama sa iyo ang pagsambulat ng mga uniberso 🌌, ng mga nalulusaw na panahon ⏳ at espasyo 🪐. Nakaabang ang puso 💖 sa anumang kasunod: sa mga eksena sa pelikula 🎥, sa mga kantang 🎤 emo kung emo ✂, pati sa mga pang-araw-araw na episode ng isang buhay 📺. 🗣 Kakausapin ka, kukuwentuhan, uutusan, tatanungin❓ Imagine mo lang ang nangyayari. O di ba? Balewalain mo na ang anumang qualification kung bakit ako ang nagsulat nitong blurb 🙊. Sana maniwala ka pa rin sa blurb na ito tulad ng tiwala ko sa aklat na ito 🥺. 💔 Periodt, no erase. (🔪🔪🔪🔪🔪)
—Nicko Caluya, poet and associate professor
The book comes in three different cover variations, with art from Pie Tiausas, Isen Alejo, and Sara Erasmo.
> Signed copies available VIA direct order

“Bilang apologia pro vita sua, o mga awit patungkol sa sarili, ang apatnapung tula sa unang koleksiyon ni Paolo Tiausas, ang Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga, ay postmodernong kalipunang namumutiktik sa halos siyento porsiyentong autobiyograpikal na anekdota na payugto-yugtong tatambad sa mambabasa nang nabibihisan ng sisteng maanghang-na-mapait-na-nakapanlulupaypay sa mga larawan ng kahirapan at/o kabuktutang sinadya at/o di-sinadya, kamangmangang mistulang bálat sa utak, at makapal na compendium ng mga bagay (i.e., sa konteksto ng tulang “Bagay” ng kilusang pampanitikang tubong-Ateneo) na nilelente ng mapanuri at mapanuksong pagsisiyasat sa kung paano nabibisaklat o napipilay ang aparatong intelektuwal ng iskolar at kung paano rin niya buong husay na babaligtarin ang unipormeng pang-Atenista upang matambad ang mga himulmol, butas, o wakwak na sinulsihan nang buong ingat, o, nang kung papa-papaano lamang.”
—Benilda S. Santos, makata
Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga